Wednesday, July 27, 2011

Ayusin ninyo mga buhay ninyo dyan lalo na yung mga nagdedeclare kung may pasok o wala.


Ang hirap kasi sa mga nagdedeclare na walang pasok eh hindi sila yung mga mismong mahihirapan kapag hindi dineclare na walang pasok. Dahil andun lang sila sa opisina nila na naka-jacket dahil malamig ang buga ng aircon nila, naka-upo sa sofa nilang mga upuan at nagkakape dahil ang kape nila eh galing PAGCOR  na worth 1 Billion pesos ang presyo samantalang tayong mga estudyante papasok ng sobrang aga halos makalimutan pang mag-breakfast ng mga iba para lang maagang makapasok sa mga eskwelahan tapos dadaan ka pa sa mala-ilog na kalsada na kulang na lang eh balsa at bangka ang mga dumadaan. Mababasa ka pa, mapuputikan pero carry on lang dahil kailangan nating pumasok tapos pagdating sa school, teng-eneng buhay ito, nakalagay sa may mga school gates: “NO CLASSES TODAY”.
Mahirap ang ganyang buhay, maswerte pa ako dahil minsan ko lang naranasan yun pero maraming mga estudyante dyan na ganyan lagi ang nangyayari sa kanilang buhay dahil sa MALING AKALA at dahil na rin hindi maayos ang sistema ng pagdedeklara kung may pasok o wala.
-Rico Maglayon

No comments:

Post a Comment