Tuesday, November 8, 2011

Thesis Project


Confused because I don't know what will be the project that I will make for our Capstone Project aka Thesis making. Brutal daw ang thesis namin dahil kailangan maganda daw ang gawa namin para maganda yung maipakita nung department namin para sa accreditation.


95% sure ako na ang gagamitin kong programming language is PHP dahil medyo master ko na itong language na ito pero to be honest nasa Intermediate level pa lang ako at hindi ko pa ka-level si Mark Zuckerberg in terms of programming pero i'm working (before) a social networking site pero hindi ko na natuloy dahil busy sa OJT.


So far, eto yung mga naiisip kong gawin na system which is web-based:


System para sa isang hospital (Computer Aided Instruction or Information System or a Billing System)
System para sa isang agency ng government like Payroll System, Information/Database System or i-automated yung mga process nila.
System para sa isang school at gawing automated ang kanilang enrollment
Or i-improve ang isang existing system
Wala na akong maisip dahil yung mga gusto ko SANA eh kailangang sa ibang language ko gawin like VB.net, C# or .NET framework languages.


Kung may naiisip man kayo eh suggest lang kayo.


Help me!!

Thursday, November 3, 2011

Thesis Grouping


Thesis making na this semester at excited ako dahil challenge ito sa akin dahil kailangan kong gumawa ng paraan para lang mai-defend yung gagawin namin na thesis. By the way, grouped ang thesis namin, minimum of 2 at maximum of 4. Natuwa naman ako sa number of members per group pero eto na ang problema ko,


MARAMING MAY GUSTONG KUMUHA SA AKIN SA GROUP NILA!


Aaminin ko, I can program and do some documentations at konting common sense and hindi ko alam kung yan ba ang kailangan nila sa ka-grupo nila o sadyang gusto lang nilang may gagawa sa thesis ng group namin na mag-isa? Weird talaga at iniisip ko na kung pwede mag-individual dahil na-trauma na ako sa nangyari sa akin noong 3rd Year, 1st semester kung saan ako yung leader, ako yung nag-program sa system, ako gumawa nung documentation at AKO LANG ANG BUMAGSAK SA GRUPO NAMIN!.


Sino ba naman ang hindi ma-trautrauma sa ganyang sitwasyon at ngayon ko lang talaga nalaman na KAIBIGAN MO LANG PALA SILA KUNG MAY KAILANGAN SILA SA’YO.


Pag-iisipan ko pa kung ano ang gagawin ko tungkol sa grouping na yan.