Thursday, November 3, 2011

Thesis Grouping


Thesis making na this semester at excited ako dahil challenge ito sa akin dahil kailangan kong gumawa ng paraan para lang mai-defend yung gagawin namin na thesis. By the way, grouped ang thesis namin, minimum of 2 at maximum of 4. Natuwa naman ako sa number of members per group pero eto na ang problema ko,


MARAMING MAY GUSTONG KUMUHA SA AKIN SA GROUP NILA!


Aaminin ko, I can program and do some documentations at konting common sense and hindi ko alam kung yan ba ang kailangan nila sa ka-grupo nila o sadyang gusto lang nilang may gagawa sa thesis ng group namin na mag-isa? Weird talaga at iniisip ko na kung pwede mag-individual dahil na-trauma na ako sa nangyari sa akin noong 3rd Year, 1st semester kung saan ako yung leader, ako yung nag-program sa system, ako gumawa nung documentation at AKO LANG ANG BUMAGSAK SA GRUPO NAMIN!.


Sino ba naman ang hindi ma-trautrauma sa ganyang sitwasyon at ngayon ko lang talaga nalaman na KAIBIGAN MO LANG PALA SILA KUNG MAY KAILANGAN SILA SA’YO.


Pag-iisipan ko pa kung ano ang gagawin ko tungkol sa grouping na yan.


No comments:

Post a Comment