Thursday, October 20, 2011

Buhay Graduating Student (1st Semester)


Mahirap pala ang maging isang graduating student. Hindi biro ang hirap na kailangan mong gawin para lang makapasa ng mga requirements na sobrang demanding dahil it's PASS or FAIL ang kalalabasan.
1st Semester pa lang, hirap na ako lalo na yung bandang patapos na dahil nga sa mga requirements. Mostly ng mga courses eh ang OJT ay sa 2nd Semester pero iba sa amin dahil mas konti ang holidays (daw) sa 1st semester at para mahabol namin ang 680 hours na kailangan namin tapusin. Nag-OJT ako sa school na rin namin kasi hindi ako pinayagan na mag-OJT sa labas dahil may hindi pa akong nakuhang subject salamat sa bagsak ko na subject noong 3rd year ako pero maganda naman yung binigay sa akin na office dahil in-assign ako sa Systems Administration. Demanding yung pinagawa sa akin na system dahil isang Ticketing System ang ginawa ko at akala ko noong una eh baka hindi ko matapos pero as of the moment 98% na syang gumagana at nagagamit na nung office namin yung system. Iba pa yung requirements ng office sa requirements nung subject dahil kailangan kong gumawa ng daily journal (or parang Dear Diary ang drama) dahil kailangan daw nilang malaman kung may ginagawa at kung may natutunan kami pero hindi ko masyado nagawa yun dahil masyadong toxic yung system na ginawa ko.

Nag-enjoy lang ako sa pinapagawa sa akin dahil ang dami kong natutunan in-terms of programming (PHP, SQL, Javascript at jQuery yung mga language na ginamit ko) at networking dahil mostly ng ginagawa ng mga boss ko eh sa network connections ng Internet sa aming campus. Toxic pero enjoy dahil hindi naman istrikto yung mga boss ko at mababait sila.
Dumating ang October at naalala namin na may mga requirements na kailangang gawin kaya dahil dyan at salamat sa aming pagiging utak-Pinoy, ginawa namin lahat ng mga requirements namin last last week at this week yung deadline. Revisions dito, revisions dyan. Gastos dito, gastos dyan. Problema dito, problema dyan. Sumagi na rin sa isip ko na sumuko na pero kailangan kong tapusin ito dahil gusto kong maka-graduate na matapos na ito.
After naming gumastos ng halos Php 5000, nag-sayang ng almost 1000 pages ng coupon bond, 190 hours of total hours of sleep last week at this week at halos masiraan ng ulo, tapos na rin ang paghihirap namin dahil isang requirement na lang yung kailangan na lang namin at tapos na sya!
Worth it lahat ng mga gastos, puyat at mga nasayang dahil fulfilling na may natapos kami pero lagi kong sinasabi sa mga ka-grupo ko,
"Guys, 1st sem pa lang. This is just the start. May 2nd sem pa at mas madugo yun."
Totoo nga yung sinabi ko pero mag-eenjoy muna akong matulog, kumain, procrastinate at gawin lahat ng gusto ko dahil baka hindi ko na magawa yan next sem.

No comments:

Post a Comment