Tuesday, January 10, 2012

90's boy/girl band > K-Pop

OPINION LANG PO! Uunahan ko na kayo dahil alam kong maraming fans ng mga K-Pop bands dito. Personal opinion ko lang po ang mga sasabihin ko, ok? Magagalit, baog.

Nanonood ako ng MYX noong isang araw dahil bagot-bagot na ako sa ginagawa kong thesis at naisip kong mag-unwind muna for several minutes at saktong segment ng MYX eh yung puro K-Pop bands / artists ang featured. "K-Pop nanaman? my gad." yan lang ang nasabi ko dahil wala na akong ibang mapanood dahil ayaw ko namang manood ng "too-much-over-rated/acting" na mga telenobela na halos pare-parehas ang flow ng kwento. Nagsimula na ang show at Super Junior ata yung unang video na pinalabas. At first ganito yung reaction (thru gif na lang kahit OA):

Habang tumatagal ang kanta, medyo masakit na yung tenga ko dahil hindi ko maintindihan yung kanta dahil sa Korean language yung kanta. May konting English na kahit bata eh kayang intindihin, my gallywaw. Gusto ko nang magwala sa naririnig ko kaya pinatay ko na lang yung TV.

Bumalik ako sa harap ng laptop at nag-radio live streaming na lang ako. 90.7 Love Radio ako nakikinig dahil na rin kay Papa Jack. Pinapatugtug yung "Heaven by your Side" ng A1, by the way kung sino man ang hindi nakakaalam kung sino ang mga members ng A1 eh i-search nyo na lang kay Pareng Google. Soothing, relaxing at nakakawala ng stress dahil ramdam mo at naiintindihan mo yung mensahe nung kanta, hindi gaya ng mga K-Pop na kailangan mo pang pumunta sa translate.google.com para malaman kung anong kabalbalan ang sinasabi ng mga lokong iyon.

Comparison ko between 90's boy band sa K-Pop:

Similarities:

  1. Gwapo / Maganda ang mga members.
  2. more than 2 sila (kaya nga band/group nga eh)
  3. sumasayaw at
  4. pinagkakaguluhan.

Difference: 

  1. K-Pop: naiintindihan, 90's: naiintindihan, mararamdaman mo ang sense ng kanta

Batang 90's ako at namulat ako sa mga foreign boy bands at super-duper sikat na pinagkakaguluhan ng mga kakababaihan noong araw (noong araw talaga ang term, parang ang tanda ko na.).

Konting hinay-hinay lang guys sa pakikinig ng mga ganyan kasi baka maging alien ka kung mag-salita. Subukan nyo ding pakinggan ang mga kanta ng mga boy/girl bands para malaman nyo yung sinasabi ko. Ok? :)

No comments:

Post a Comment