Monday, January 9, 2012

Some Random Post


Halos 10 minuto akong nakatanga sa harap ng laptop na ito at sa page na ito (Add Text Page). Weird, may gusto akong ilagay pero hindi ko alam kung ano yung ilalagay ko. Maraming bagay ang tumatakbo ngayon sa isip ko kaso hindi ko alam kung ano ang uunahin kong gawin o ayusin. Weird talaga. Kulang lang ba ako sa tulog kaya ganito ako? Ang sagot, hindi naman. Kahit 5 o'clock in the morning na ako natutulog eh nagigising naman ako ng 1 PM which is ayos na sa akin dahil disente na kung makakuha na ako ng 8 hours na tulog.


Pressure, yan siguro ang isa sa mga bagay na iniisip ko ngayon? Bakit? graduating student na ako at lahat ng mga tao sa paligid ko ay mataas ang expectations sa akin kahit noong bata ako mataas talaga expectation nila sa akin kasi siguro lahi ng matatalino ang angkan namin pero wala akong pakialam, happy-go-lucky ang drama ko sa buhay pero pressure talaga. promise.


Thesis, isa pa yan. 4 members in a group pero ang situation namin ako lang ang nagtra-trabaho in terms of documentation and programming ng system. Hindi ako maka-reklamo dahil siguro nga mabait ako. Ayaw ko nang mag-sabi ng kung ano-ano pa. Andito na ako, nasimulan ko na at kailangan ko nang tapusin.


Maglalaro na lang ako para ma-relax ng konti itong utak ko

No comments:

Post a Comment