Monday, February 20, 2012

Unofficially Yours, Pinoy version ng Friends with Benefits?

Nakita ko na yung trailer nya nung minsang binuksan ko yung TV namin para manood ng NBA sa Studio 23. Angel Locsin at si John Lloyd ang starring sa movie. Akala ko isang romantic love story ang palabas pero ganito yung reaction ko:

 

image

 

Hindi ko ineexpect na may mature content yung palabas pero pahapyaw lang. Paano na lang kayo sa mismo movie? For sure walang mga exposure ng mga kung ano-ano dyan dahil nga we’re known for being conservative. Hindi ko ineexpect na magkakaroon ng ganitong movie mula ng mawala ang mga Viva Hot Babes at kung ano-anong sexy-themed movies.

Parang Friends with Benefits talaga yung theme ng movie. Is this a desperation move ng mga movie producers dito sa ating bansa kasi hindi kumikita ang mga movies lalo na kung katapat nilang sa opening day eh mga bigating Hollywood movies? Kikita lang sila kapag Metro Manila Film Festival kasi sa pagkakaalam ko, bawal magpalabas ng mga foreign movies kapag MMFF.

Sa pagkadesperado pati ang conservative image sa mga romantic love story themed movies eh natanggal na. Tsk tsk tsk, wala na tayong magagawa kung ganito talaga ang gusto nila. Aminado ako, hindi ako nanonood ng mga Filipino movies dahil memorize ko na yung flow ng story, yan din ang problema kaya hindi kumikita ang mga Filipino movies dahil sa storyline, kulang ang thrill at walang dating yung mga artista kung minsan.

It’s just an opinion kaya wala dapat magalit.

No comments:

Post a Comment