Monday, January 30, 2012

Kings and Queens

30secondstomars_-_kings_and_queens
“We were the Kings and Queens of promise. We were the phantoms of ourselves. Maybe the children of a lesser God. Between Heaven and Hell. ” - 30 Seconds to Mars

Sunday, January 29, 2012

Song of the Week: “It Will Rain” by Bruno Mars

This songs talks about losing someone and it also talks how life would be if that someone walked out of our lives. It’s very painful losing someone and it compares to the sky because without our loved one by our side it feels like there’s no hope because no one is out there that would lift our spirits high and without her/him at our side, we’ll just cry to show how lost we are.

Monday, January 23, 2012

These past few days are the roughest days so far this year.

Ewan ko ba, parang hindi ako ito ngayon siguro lumalabas nanaman yung pagka-bipolar ko. Naiinis ako, hindi ko maintindihan sarili ko. Ito yung mga nangyari:

  • Nag-away kami ni girlfriend dahil sa wala ako sa mood.
  • Nagparamdam yung ex ko na iniiwasan ko dahil ayaw ko nang ma-confuse at ngayon, na-confuse nanaman ako. letse!
  • Thesis
  • Thesis
  • By the way, group itong thesis pero ang nangyayari, INDIVIDUAL ang nangyayari.
  • Naasar ako dahil yung mga ka-grupo ko eh pa-petiks petiks lang ang buhay habang ako'y halos hindi na kumakain at hindi natutulog

ang saya talaga ng buhay ko. pramis at ang pinaka-masaklap sa lahat.

  • wala na akong pera.

puta.

Friday, January 20, 2012

Thesis

Kahapon nag-meeting kami para malaman kung sino ang mga mag-dedefense sa particular schedule na ibibigay. Buti na lang at hindi kami una nag mag-dedefense dahil pang-number 12 kami and we're (I am) schedule for defense on February 13.

Nag-evolve din pala yung title nung thesis namin from Patient Information System toHospital Information System. Hospital na, hindi na OPD kasi konti lang yung nalagay ko sa system na ginawa ko kaya dinagdagan ko na. So far, 55% completion rate na yung system kaya maaga akong natutulog, oo, maaga kasi 8 AM ako natutulog. hahahah.

Well, goodluck sa akin este sa amin for defense. :)

Tuesday, January 10, 2012

90's boy/girl band > K-Pop

OPINION LANG PO! Uunahan ko na kayo dahil alam kong maraming fans ng mga K-Pop bands dito. Personal opinion ko lang po ang mga sasabihin ko, ok? Magagalit, baog.

Nanonood ako ng MYX noong isang araw dahil bagot-bagot na ako sa ginagawa kong thesis at naisip kong mag-unwind muna for several minutes at saktong segment ng MYX eh yung puro K-Pop bands / artists ang featured. "K-Pop nanaman? my gad." yan lang ang nasabi ko dahil wala na akong ibang mapanood dahil ayaw ko namang manood ng "too-much-over-rated/acting" na mga telenobela na halos pare-parehas ang flow ng kwento. Nagsimula na ang show at Super Junior ata yung unang video na pinalabas. At first ganito yung reaction (thru gif na lang kahit OA):

Habang tumatagal ang kanta, medyo masakit na yung tenga ko dahil hindi ko maintindihan yung kanta dahil sa Korean language yung kanta. May konting English na kahit bata eh kayang intindihin, my gallywaw. Gusto ko nang magwala sa naririnig ko kaya pinatay ko na lang yung TV.

Bumalik ako sa harap ng laptop at nag-radio live streaming na lang ako. 90.7 Love Radio ako nakikinig dahil na rin kay Papa Jack. Pinapatugtug yung "Heaven by your Side" ng A1, by the way kung sino man ang hindi nakakaalam kung sino ang mga members ng A1 eh i-search nyo na lang kay Pareng Google. Soothing, relaxing at nakakawala ng stress dahil ramdam mo at naiintindihan mo yung mensahe nung kanta, hindi gaya ng mga K-Pop na kailangan mo pang pumunta sa translate.google.com para malaman kung anong kabalbalan ang sinasabi ng mga lokong iyon.

Comparison ko between 90's boy band sa K-Pop:

Similarities:

  1. Gwapo / Maganda ang mga members.
  2. more than 2 sila (kaya nga band/group nga eh)
  3. sumasayaw at
  4. pinagkakaguluhan.

Difference: 

  1. K-Pop: naiintindihan, 90's: naiintindihan, mararamdaman mo ang sense ng kanta

Batang 90's ako at namulat ako sa mga foreign boy bands at super-duper sikat na pinagkakaguluhan ng mga kakababaihan noong araw (noong araw talaga ang term, parang ang tanda ko na.).

Konting hinay-hinay lang guys sa pakikinig ng mga ganyan kasi baka maging alien ka kung mag-salita. Subukan nyo ding pakinggan ang mga kanta ng mga boy/girl bands para malaman nyo yung sinasabi ko. Ok? :)